Kulang pa rin ang pasilidad ng ilang paaralan sa lalawigan ng Abra bunsod ng malakas na lindol noong nakaraang taon.
Ito’y matapos bisitahin ng Department of Education (DEPED) ang Northern Abra National High School.
Batay sa datos ng Northern Abra National High School, nasa 1,116 enrollees ang pansamantalang nag-aaral sa make-shift spaces mula sa junior at senior high school. – sa panulat ni Jenn Patrolla