Hinimok ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na lumahok sa zero waste month ngayong buwan ng Enero.
Ayon kay PCO, layunin nila na maibsan ang masamang epekto ng basura sa kalikasan at kalusugan ng tao.
Isinusulong ng PCO ang zero waste advocacy para makatulong na mabawasan ang mga basura sa bansa.
Nabatid na idineklarang zero waste month sa bisa ng Presidential Proclamation #760 na nilagdaan noong May 5, 2014. – sa panulat ni Jenn Patrolla