Patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga subvariant ng Omicron na lubhang nakakahawa.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, partikular nilang mino-monitor ang BQ.1.1 t BA.2.75 na parehong immune evasive o may kakayahang iwasan ang proteksyong binibigay ng bakuna.
Aniya, ang mga naturang subvariant ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng sakit sa bansa at sa buong mundo.
Nabatid na nakapagtala ang DOH ng 696 na bagong kaso ng COVID-19 kung saan tumaas sa 12,491 ang aktibong kaso habang nasa 75 lamang ang naiulat na gumaling sa sakit.