Nagpasalamat ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Makati Business Club (MBC) sa pagpapahayag nito ng suporta sa sektor ng enerhiya.
Matatandaang kinilala ng MBC ang mga hakbangin ng ERC upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng kuryente sa kabila ng tinatawag na global trends.
Sinabi ni Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta, pinahahalagahan ng komisyon ang mga inisyatiba ng kanilang stakeholders na makibahagi sa mga hakbang upang matiyak na matatag at abot-kaya pa rin ang kuryente sa bansa.
Kaugnay nito, iginiit ni Dimalanta na ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at mga pribadong sektor ay magreresulta aniya sa mga magagandang ideya, para sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisya. —sa panulat ni Hannah Oledan