Iniluklok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser o NSA.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na rin sa tungkulin si Año sa harap ni Pangulong Marcos.
Pinalitan ni Año si Prof. Clarita Carlos na ngayo’y maglilingkod naman sa Congressional Policy and Budget Research Department o CPBRD ng House of Representatives.
Ang CPBRD ang nagbibigay ng technical service sa Kamara sa pagbabalangkas ng national economic, fiscal, at social policies.