Nasamsam sa apat na indibidwal ang P707,200 na halaga ng ilegal na droga matapos ang isinagawang buy bust operation ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City, kamakailan.
Kinilala ni SPD Dir. PBGen. Kirby John Kraft ang mga suspek, na kinabibilangan ng isang High Value Individual (HVI) na si Esmael Saban Guialodin, 31 taong gulang; Javier Vilante, 21 taong gulang, Angelo Colongon Pogoy, 25 taong gulang at Anthony Parreño Moreno, 23 taong gulang.
Nakuha sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 104 gramo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa sections 5, 11 , 13 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon