Itinalaga bilang bagong spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera.
Pinalitan niya si Jail Superintendent Xavier Solda na nasa Region 9 para sa filed assignment.
Si Bustinera ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2008.
Isa ring BJMP Official si Bustinera sa loob ng mahigit isang dekada kung saan itinalaga siya mula sa security and administration, persons deprived of liberty o pdl records managements, paralegal sevice hanggang sa maging Jail warden.