Nagsagawa ng bird counting at species identification activity ang airport ground operations and safety division kabilang ang ilang kawani ng Department of Environment and National Resources (DENR).
Ito ay para matukoy ang bilang ng populasyon at mga uri ng migratory birds na nasa palibot ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) grounds.
Sinabi ng MIAA na layunin ng nasabing joint effort nila ng DENR ang malaman ang mga risk o panganib na dala ng mga naturang ibon dahil sa pangambang bird strikes sa mga eroplanong lumilipad at naglalanding sa naturang mga paliparan.
Bukod pa rito, isinagawa ang naturang aktibidad upang malaman kung may mga endangered species sa naturang mga ibon sa runway ng NAIA.—mula sa panulat ni Hannah Oledan