Tiniyak ni United Broilers and Raisers Association o UBRA President Elias Jose Inciong na pabor sa produksyon ng manok ang malamig na panahon.
Sinabi ni Inciong na mas pabor ito para sa may mga manukan dahil hindi na nila kakailanganin ng cooling effect sa mismong poultry farms.
Ani Inciong, maraming manok ang namamatay sa sobrang init.
Ngunit klinaro rin ni Inciong na ang sobrang lamig naman ay maaari ring maging sanhi ng mababang produksyon dahil halos hindi na kumikilos ang mga manoki na sanhi ng pagpayat at pagkamatay ng mga ito.—mula sa panulat ni Hannah Oledan