Pinalawak pa ng e-wallet giant na GCash at PayMaya ang kanilang payment scheme sa mga palengke sa Central Visayas.
Bilang parte ito ng kanilang pagsisikap na isulong ang cashless na transaksyon sa bansa.
Ilan sa mga lugar na sakop na ng cashless transactions ay ang Tagbilaran sa Bohol.
Sa kasalukuyan, ang GCash ay mayroon nang mahigit 71M user sa buong kapuluan, na nagbibigay sa kanila ng access sa mga serbisyong pinansyal gaya ng pagbabayad, pag-iimpok, pamumuhunan, pautang at insurance.