Hindi sapat ang lokal na produksyon ng sibuyas kaya’t kinakailangang mag-import.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kalihim din ng Department of Agriculture (DA) dahil sa kakulangan ng lokal na supply at mataas na demand ng naturang produkto sa bansa.
Pero, iginiit ng pangulo na gumagawa sila ng mga paraan upang mapataas ang produksyon ng sibuyas maging ang iba pang produkto upang maiwasan ang pag-aangkat ng mga ito.
Una nang inanunsyo ng DA na magpapatupad sila ng “calibrated importation” ng sibuyas sa kabila ng nalalapit na anihan.
Nabatid na ang mababang suplay ng naturang produkto ang naging dahilan para tumaas ang presyo nito.