Bumagal ang pagpasok ng remittances sa Pilipinas mula sa mga overseas filipino workers o ofws noong 2022.
Batay sa pinakahuling datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot lamang sa $2.93 billion ang remittances sa bansa mula mayo hanggang Nobyembre nakaraang taon.
Ito na ang pinakamaliit na halaga ng remittances na naitala noong 2022, na mas mabagal kaysa sa inaasahang 4% ng gobyerno.
Sinabi naman ng isang ekonomista na ang pagbagal ng pagpasok ng remittances ay maaaring dulot ng paghina ng piso kontra dolyar.
Gayunman, tinitignan pa ring dahilan ang taas-presyo ng mga bilihin.