Aabot sa 68% ng mga Filipino ang pabor sa planong pagbuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa mga tumutungtong ng edad 18.
Batay sa isinagawang 4th Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research sa 1,200 respondents noong October 23 hanggang 27.
Tinanong ang mga respondent kung “sumasang-ayon ba sila sa plano na gawing mandatory ang ROTC sa mga edad 18 pataas”.
Lumabas din sa survey na 28% ng mga tinanong ang tutol sa plano.
Pinaka-marami namang sumang-ayon ay mula sa Mindanao, 75% habang pinaka-kaunti sa Metro Manila, 64%.
Magugunitang inihayag ni Senador Ronald Dela Rosa na magiging mabilis ang Kongreso, partikular ang Senado sa pagpasa ng panukalang batas na bubuhay sa mandatory ROTC, ngayong taon.