Inilarga na ng Social Security System ang probisyon ng RA 11199 o ang Social Security Act of 2018 na nagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro upang matiyak ang financial viability ng SSS para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, sa ilalim ng batas, agad na magkakaloob ng benepisyo sa may labingtatlong milyong manggagawa at matitiyak ang viability ng SSS fund para magkaloob sa kanila ng social security protection.
Alinsunod din sa batas, magtataas ng contribution rate ng 1% kada dalawang taon hanggang sa maabot ang 15% sa taong 2025.
Sa ilalim ng bagong contribution rate, ang employers ang aako ng 1% increase na nangangahulugan ang kanilang contribution sa ngayon na 9.5% at ang nalalabing 4.5% ay ibabawas sa mga empleyado.
Nilinaw naman ni Macasaet na hindi apektado ang mga empleyadong sumasahod ng hindi aabot ng P25,000 kada buwan na bumubuo naman sa 78% ng SSS-paying employee members.