Bahagyang dumami ang mga pamilyang nagugutom sa bansa.
Batay ito sa last quarter survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre a – diyes hanggang a –katorse ng isang taon.
Lumabas sa survey na nasa 3 milyon o 11.8% ng mga pamilyang pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o gutom at walang makain o minsan nang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Kumpara ito sa 11.3% o 2.89 million families noong October 2022 at 11.6% o 2.95 million families noong June 2022.
Gayunman, ang survey result noong huling bahagi ng nasabing taon ay bahagyang mababa sa 12.2% o 3.1 million families noong Abril.
Pinaka-mataas na bilang ng pamilyang nakaranas ng gutom ay mula sa Mindanao, 12.7%; sinundan ng Visayas, 12%; Metro Manila, 11.7% at balance Luzon at 11.3%.
Samantala, sa 11.8%, 2.4 million o 9.5% families ang nakaranas naman ng moderate hunger o minsan lamang magutom habang 2.3% o halos 600,000 families ang nakaranas ng matinding kagutuman o laging gutom.