Kumikilos na ang halos 40 samahan ng mga OFW sa Hong Kong para isulong ang pagbasura sa Overseas Employment Certificate (OEC).
Ayon sa mga OFWs, target nilang makakalap ng 40,000 pirma via online at face to face para isumite sa tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), kongreso at Department of Migrant Workers (DMW).
Kasabay nito, ipinabatid ng OFW organizations ang pagbasura sa mandatory contributions nila tulad ng PhilHealth, Pag-Ibig, SSS at compulsory insurance.