Hinimok na ipawalang bisa sa kongreso ni President Danilo Fausto ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang asin law.
Ito’y upang mahikayat ang mga kapwa Pilipino na bumalik sa produksyon ng asin.
Ayon kay Fausto, nahihirapan at natatakot ang mga local producer na kumuha ng permit to manufacture ng asin dahil ipinagbabawal ng batas ang paggawa ng nito na hindi iodize.
Kasabay nito, naghain ng Senate Bill 1450 sina Senador Cynthia Villar at Joel Villanueva na naglalayong amyendahan ang asin law. - sa panulat ni Kim Gomez