Aprubado na ng Metro Manila Mayors at traffic management officials ang final draft ng Metro Manila Traffic Code para sa panukalang single ticketing system.
Inaasahan na ang full implementation ng panukalang single ticketing system ngayong unang quarter ng taon.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kabilang sa draft ang napagkasunduan na standardized penalties para sa halos dalawampung pinaka-karaniwang traffic violation at inter-connectivity requirements sa Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.
Napagkasunduan din sa pulong kahapon na maglalaan ang MMDA ng pondo para sa pagbili ng hardware at IT requirements para sa seamless at rollout ng integration ng local government units sa ltms.
Samantala, inihayag ni Metro Manila Council Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora na magkakaroon ng isa pang meeting upang mapag-aralan pa ang mga napagkasunduan ng technical working group na lumikha ng Metro Manila traffic code.