Ilang international companies ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kabilang sa kanyang mga nakapulong si Gokul Laroia, Chairman for Asia-Pacific ng Morgan Stanley, na nangako ring magtayo ng tanggapan sa Maynila.
Matatandaang nakausap din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Maliban dito, nakausap din ni Pascual ang CEO ng Coursera na si Jeff Maggioncalda, mga opisyal ng Swiss multinational company na Glencore, at US-based company na Astranis.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nakausap niya ang executives ng limang kumpanya kabilang sina Dolf Van Den Brink, CEO ng Heineken; Thomas Buberl, CEO ng leading Swiss Insurer na Axa; at mga executive ng Chicago-based private venture capital firm na Blackwater.
Maliban dito, sinabi pa ni bautista na may nakausap din siyang grupo na nais mag-invest sa land transport businesses sa Pilipinas, na tumangging pangalanan, ngunit ayon sa kalihim ay isa ito sa pinakamalalaking grupo sa buong mundo.
Nagpahayag din aniya ng suporta sa railway projects ng Pilipinas si dating British Prime Minister Tony Blair.