Nalalapit na ang pagdiriwang ng Chinese New Year 2023. Pero alam niyo ba na maraming paniniwala o tradisyon ang mga Chinoy pagdating sa pagdiriwang ng kanilang Bagong Taon?
Isa na nga riyan ang:
BAWAL MAGWALIS
Naging tradisyon na ng mga Chinese ang hindi pagwawalis sa araw na ito dahil senyales daw ito ng pagtaboy ng swerte o kasaganaan. Iniiwasan din nila ang pagtatapon ng basura sa labas dahil sa paniniwala nila na malas ito at maari nilang maitaboy ang swerte sa loob ng kanilang bahay.
BAWAL BAD WORDS
Iniiwasan din ng mga Chinoy ang pagsasalita ng masama tuwing Lunar New Year period. Isa sa mga masasamang salita na iniiwasan nila ay ‘yung mga tungkol sa kamatayan, sakit, kahirapan, multo at iba pa.
BAWAL MALIGO
Ang pagligo o pagbasa ng buhok sa araw ng Chinese New Year ay ipinagbabawal din. Sa salitang Mandarin, ang (发, fa) o hair ay kaparehas ng pagbigkas ng facai (发财) na nangangahulugang ‘to become wealthy’. At dahil du’n paniniwala nila na hindi mabuting hugasan ang buhok sa araw ng Chinese New Year parang wina-wash out daw ang swerte. —mula sa panulat ni Angelo Baino