Umabot sa 60% ng mga Pilipino ang patuloy na nagsusuot ng face mask sa indoor spaces.
Ayon kay OCTA research Dr. Guido David, ito ay magandang indikasyon dahil pino-proteksyunan pa rin ng mga Pilipino ang kanilang kalusugan.
Naiintindihan anya ng mga ito ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask sa kabila ng mas pinaluwag na restriksyon sa bansa.
Samantala, unang sinabi ng Department of Health na bumagsak na sa 3% ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla