Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ‘satisfied’ siya sa kaniyang biyahe sa Davos, Switzerland kung saan dinaluhan niya ang 2023 World Economic Forum (WEF).
Sa wrap-up speech ni Pangulong Marcos sa harap ng Filipino Community sa Zurich, sinabi nito na nagawa ng delegasyon ang lahat ng bagay na nilalayon nilang maisakatuparan sa taunang pagpupulong ng mga pandaigdigang lider ng negosyo at pulitika.
Inamin naman ng Pangulo na simula pa lamang ito, at idinagdag na mayroon pang pangangailangan para sa Pilipinas na buksan ang “linya ng komunikasyon” sa ibang mga bansa.
Samantala, sa kanyang pambungad na pananalita sa WEF, ipinakilala ng Pangulo ang panukalang Maharlika Wealth Fund na aniya ay kabilang sa mga hakbang ng administrasyon upang pag-iba-ibahin ang financial portfolio ng Pilipinas.
Kasama sa foreign trip ni PBBM sa Davos, Switzerland First Lady Liza Araneta-Marcos, anak nilang si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan.