Muling pinaalalahanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga residente na tumalima sa “Tapat Mo, Linis Mo” ordinance sa pamamagitan nang paglilinis ng kanilang paligid dahil sa banta ng dengue.
Ayon kay Magalong, nakakalungkot isipin na laging naglilinis ang gobyerno at barangay pero wala aniyang disiplina ang mga residente.
Nagsagawa rin ng ocular inspection ang alkalde sa mga daluyan ng tubig sa Sagudin Creek na sakop ng Barangay Cabinet Hill at Teachers Camp kung saan natuklasan ang mga basurang nakabara sa Balili River malapit sa La Trinidad, Benguet.
Maliban dito, ipinag-utos din ng alkalde ang regular na pagsasagawa ng village-wide clean-up drive tuwing Huwebes upang malinis ang mga lugar na pinamamahayan ng mga lamok.