Madalas mo ba nararamdaman ang pagkapagod sa mata?
Ang pagod, pangangati at burning sensation sa mata ay maaaring dahil nakararanas ka na ng eye fatigue.
Ito ay karaniwang nakukuha kapag nao-over use ang ating mga mata dahil sa pagbabasa, pagsusulat, pagda-drive at sobrang pagtutok sa gadget screen lalo na kapag madilim ang paligid.
Ilan sa mga sintomas nito ay ang:
-Sore o irritated eyes
-Trouble focusing
-Dry O watery eyes
-Malabong paningin O double vision
-Increased sensitivity to light
-Pananakit ng leeg, balikat o likuran
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng eye fatigue ugaliin ang mga sumusunod:
-Iwasan ang pagtutok sa gadget habang madilim ang paligid
-Ipahinga ang mata kada 20 minuto
-Kumain ng masusustansyang pagkain na mayaman sa Omega-3 fatty acids, Lutein, Zinc, at Vitamins C at E
-Iwasan ang paninigarilyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng katarata.