Dagsa na simula kagabi ang mga tao sa Binondo sa Maynila para salubungin at ipagdiwang ang Chinese New Year.
Ilan sa mga bumisita ay dumumog sa iba’t ibang lugar sa Binondo gaya ng Ongpin Street, kung saan matutunghayan ang iba’t ibang uri ng pagkain at kagamitan gaya ng Chinese lanterns, lucky charms, prosperity fruits, box ng “tikoy” at iba pang imahe ng Chinese culture.
Kaniya-kaniya ding diskarte ang filipino-chinese community para sa pagsalubong ng Year of the Water Rabbit.
Samantala, pinagkaguluhan din ang dragon dance kung saan hindi bababa sa tatlong dragon ang sumasayaw kasabay nang pagpapaputok ng mga fireworks.
Mahigit 2 taong napurnada ang mga aktibidad para sa Chinese New Year sa Maynila dahil sa COVID-19 pandemic.