Hindi nagpatupad ng liquor at gun ban ang lokal na pamahalaan ng maynila kasabay ng pagsalubong ng Chinese New Year sa Binondo kagabi.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Spokesperson, Police Major Philipp Ines, ang hinihingi lang ng lokal na gobyerno at pamunuan ng MPD ay magsuot pa rin ng face mask, lalo’t dagsa ang mga tao sa Binondo at nariyan pa rin ang COVID-19.
Tinatayang aabot sa 3, 200 pulis ang ipinakalat ng mpd ngayong Chinese New Year, para mapanatiling ligtas ang mga pagdiriwang.
Pakiusap naman ng MPD sa publiko na kung sakaling mayroong maobserbahan na mga kahina-hinalang tao, base sa kilos at galaw ay agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.