Naging produktibo ang naging pagdalo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum sa Switzerland.
Ito ang ipinagmalaki ni PBBM sa kanyang arrival statement sa Villamor Air Base, Pasay City nitong weekend.
Ibinida ng Pangulo ang progreso ng bansa sa kanyang partisipasyon sa WEF na aniya ay siyang tunay na global multi-stakeholder platform.
Ayon kay Pang. Marcos, sa pamamagitan ng dinaluhang forum ay nakapag-secure ang pamahalaan ng trade at investment opportunities, at mahahalagang partnerships na susuporta sa mga programang magpapaunlad sa bansa.
Bukod dito, sa pamamagitan ng engagement ng Presidente sa WEF, maraming mga lider at eksperto sa gobyerno, negosyo, civic organizations at academe na dumalo, ang tumanggap ng magandang balita na ang Pilipinas ang nangunguna sa economic recovery at performance, hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa buong mundo.