Nais muling bigyan ng pagkakataon ni Pangulong Bongbong Marcos si dating DSWD secretary Erwin Tulfo na makapaglingkod sa gobyerno.
Tugon ito ng Pangulo matapos mabigo si Tulfo na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.
Ayon kay Pangulong Marcos, naging maayos ang pamumuno at performance ni Tulfo bilang kalihim ng DSWD at hindi matatawaran ang dedikasyon nito sa trabaho.
Aminado si PBBM na may iba siyang plano para sa dating kalihim subalit hindi bilang isang presidential adviser.