Umaasa ang MMDA Na maipatutupad na ngayong unang quarter ng taon sa National Capital Region ang single ticketing system para sa traffic violations.
Magbibigay-daan ito sa standard fines para sa dalawampung common violations, kabilang ang pagbalewala sa traffic signs, beating the red light at counterflow.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement, Atty. Victor Nuñez, layunin din ng single-ticketing na magkaroon ng interconnection sa Land Transportation Office ang 17 LGU sa Metro Manila.
Papayagan anya sa bagong ticketing system ang violators na magbayad sa pamamagitan ng digital payment channels.
Noon lamang isang linggo inaprubahan ng Metro Manila Council ang final draft ng single ticketing system.