Kumpiyansa si Rain or Shine player at San Juan City Councilor James Yap na kaya niyang pagsabayin ang karera sa mundo ng politika at pampalakasan.
Kasunod ito ng paglagda ni Yap ng one-conference deal sa Elasto Painters bago ang PBA Governors’ Cup.
Ayon sa seven-time PBA Champion, pabor siya na makasama si Yeng Guiao dahil marami itong karanasan pagdating sa pagbabalanse ng trabaho kaya naniniwala si Yap na marami din siyang matututunan dito.
Matatandaang nagsilbi ring congressman at vice governor ng Pampanga si Guiao, simula noong 2013 hanggang 2016 habang nagsisilbi rin bilang coach sa PBA.
Pinasalamatan naman ni Yap ang lahat ng sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayahan kung saan, iginiit niya na marami sa mga residente ng San Juan ang naghihintay sakaniya na makapaglaro muli sa basketball.