Masayang ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang pagiging fangirl sa American singer-songwriter na si Ne-Yo.
Kasunod ito ng katatapos lamang na “live concert” ng singer na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Lunes kung saan muling nakasama ng ni Ne-Yo si Catriona.
Matatandaang ni-retweet ng beauty queen ang dalawang video post mula sa isang fan kung saan isa sa mga video ay kuha noong lumalaban si Cat sa 2018 Miss Universe habang kumakanta ang R&B artist ng “Miss Independent.”
Ang isa naman ay kuha nito lamang concert ng singer kung saan, naimbitahan si Cat sa entablado na nagbigay ng pagkakataon para muling irampa ang kaniyang signature “Lava Walk”.
Ayon kay Catriona, masaya siya na muli silang nagkita ng singer at hindi maitatago na kabilang siya sa mga big-fan ni Ne-Yo.