Binigyang-diin ng isang grupo na ang mataas na halaga ng transport at fuel cost ang isa rin sa dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog sa bansa.
Ginawa ni Philippine Egg Board Chairman Gregorio San Diego ang pahayag matapos humingi ng paliwanag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa “wide gap” ng presyo sa pagitan ng farm gate at retail price ng itlog.
Paliwanag ni San Diego, nagmahal ang krudo at toll fee na isa sa mga pangunahing gastos ng mga namimili sa farm gate lalo na kung ito ay mula pa sa malayo.
Tumaas din aniya ang presyo ng naturang produkto dahil hindi maiiwasang mabasagan nito habang nasa biyahe.
Una nang sinabi ng mga egg producer na ang mataas na presyo ng feeds at paglaganap ng bird flu sa ilang lugar sa bansa ang dahilan ng mababang produkyon ng itlog.