Halos kalahati ng public school teachers ang mayruong malaking utang sa GSIS at iba pang financial institution.
Ipinabatid ito ni Vladimir Queta, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa gitna na rin nang pag amiyenda sa Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers.
Ayon kay Queta, kawawa rin ang maraming public school teachers dahil kinakasuhan na ang mga ito at nais ng mga bangko na ipatanggal pa ang kanilang lisensya.
Nakakalungkot din aniya ang nangyayari dahil bukod sa mababang suweldo ay kulang din sa mga benepisyo ang mga guro kaya’t kailangan nang maamiyendahan ang Magna Carta for Public School Teachers.