Plano ni US Defense Secretary Lloyd Austin na bumisita sa bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, nais ni Austin na makapulong ang kanyang counterpart, si Secretary Carlito Galvez, Jr. Kaugnay sa mga mahahalagang defense issues sa pagitan ng dalawang bansa.
Partikular dito aniya ang visiting forces agreement, enhanced defense cooperation agreement at mutual defense treaty.
Una nang napaulat ang umano’y seryosong pag uusap ng Pilipinas at Amerika kaugnay sa pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea (WPS).