Dumating na sa bansa ang halos 14,000 metrikong tonelada ng imported galunggong.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), aabot sa 13,856 metric tons o katumbas ng 55% ang kabuuang bilang ng inangkat na isdang GG bago ang pagtatapos ng tatlong buwang closed fishing season sa Palawan sa January 31.
Matatandaang pinayagan ng pamahalaan na mag-angkat ng 25,000 metric tons ng GG sa bansa upang mapanatili ang matatag na presyo nito sa mga pamilihan partikular na sa Metro Manila.
Nabatid na nasa P280 per kilo ang lokal na galunggong habang nasa P220 hanggang P240 naman ang presyo sa kada kilo ng imported na galunggong sa merkado.