Inihayag ni Manila Water Head of Corporate Communications Department Dittie Galang, na hindi na nagiging sapat ang suplay ng tubig sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Galang na nagkukulang na ang water suplay sa Angat Dam na isa sa pinagkukuhanan ng kanilang kumpaniya para makapaghatid ng serbisyo sa mga kosyumer.
Ayon kay Galang, gumagawa na sila ng hakbang kabilang na ang augmentation sources; mga portable treatment plant; deep wells rehabilitation; at treatment plant mula sa Laguna Lake habang hinihintay pa ng pamahalaan ang isa pang major water source na ipapalit sa Angat Dam.
Bukod pa dito, pinaghahandaan na rin nila ang mga buwan kung saan, naitatala ang matinding tag-init sa bansa.
Iginiit naman ni Galang na hindi pa nila nakikita na mayroong malaking pagbaba ng singil sa tubig na mararanasan ng kanilang mga customer.