Napataas ang kilay ni Senator Raffy Tulfo sa naging pahayag ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na maaaring magkaroon ng malaking epekto ang kaso ng nasawing OFW sa Kuwait na si Jullebee Ranara.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Tulfo na kaduda-duda ang pahayag ni Ople matapos nitong sabihin na magiging mailap ang katarungan para rito kung magpapatupad ng total deployment ban.
Ayon kay Tulfo, kailangang magmatigas ang Pilipinas laban sa bansang Kuwait para masunod ang nais ng bansa para sa kapakanan ng mga Pinoy OFWs.
Iginiit ni Tulfo na gustong-gusto ng Kuwait ang mga Filipino workers dahil masisipag, masunurin at matiyaga ang mga OFW sa kanilang bansa dahilan kaya maraming Pinoy ang naabuso, at namamatay ng walang laban.
Nanawagan din si Tulfo sa pamahalaan hinggil sa pagre-recruit ng mga tauhan upang magkaroon ng bagong posisyon.