Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na tanging ang Pilipinas lang ang dapat na mag-imbestiga sa war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Ayon sa DOJ, hindi dapat makialam sa Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) kaugnay sa pagresolba ng isyu sa ipinatupad na drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Posible kasing makaapekto sa soberanya ng bansa kung ipauubaya sa ICC ang imbestigasyon.
Bukod pa dito, mas matagal ang pag-iimbestiga ng ICC kumpara sa ikinasakasang imbestigasyon ng hukuman sa Pilipinas kung saan, mas madaling naibibigay ang hustisya sa mga biktima ng war on drugs.