Inilarga na ng ilang kumpaniya ng langis ang taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Epektibo ala-6:00 kaninang umaga, P0.45 sentimos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina ng mga kumpaniyang Shell, Caltex, Petron, PTT Philippines at Phoenix Petroleum.
Beinte (P0.20) sentimos naman ang taas presyo sa kada litro ng diesel ng mga nabanggit na kumpaniya.
Habang P0.10 sentimos ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng kerosene ng mga kumpaniyang Shell, Caltex at Petron.
Wala pang anunsyo ang iba pang kumpaniya ng langis ngunit asahan na ang kanilang pagsunod sa inilargang oil price increase ngayong araw.
LPG
Bukod sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, inanunsyo rin ng Petron na mayruon silang pagtaas sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG.
Epektibo alas-6:00 kaninang umaga, P2.80 ang idaragdag sa kada kilo ng bawat 11 kilogram cylinder ng kanilang LPG.
Katumbaas ito ng P30 umento sa kada tangke ng LPG.
Maliban dito, magtataas din ang Petron ng kanilang Auto LPG ng P1.57 kada kilo.
By Jaymark Dagala