Inihayag ng UN Food and Agriculture Organization (FAO) na bumagsak nang husto ang mga presyo ng pagkain sa mundo sa ika-sampung magkakasunod na buwan nitong Enero ngayong taon.
Ayon sa Food Price Index, naitala ang pinakamalaking pagbaba sa halaga ng mantika, dairy products at asukal, habang stable o matatag din ang presyo ng cereals at karne.
Ang index ng FAO ay sumusukat sa buwanang pagbabago sa mga internasyonal na presyo ng food commodities.
Ang vegetable oil price index ay sumadsad sa 2.9% bunsod ng pagbagsak ng halaga ng langis mula sa palm, soy, sunflower seed at rapeseed.
Naitala rin ang 1.4% na pagbaba sa presyo ng butter at milk powders habang 1.1% naman ang ibinaba sa presyo ng asukal sa loob ng nasabing panahon.