Inaprubahan ng Commission on Elections ang pilot testing ng Automated Elections System sa tatlong barangay para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang nasabing hakbang ay bahagi ng regular en banc meeting na idinaos noong February 15.
Isasagawa aniya ang pilot testing sa Barangay Zone II Poblacion at Barangay Paliparan III sa Dasmariñas City, Cavite habang ang ikatlo naman ay sa barangay Pasong Tamo sa Quezon City.
Paliwanag ni Laudiangco, ang napiling mga barangay ay resulta nang naging regular hearing ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, at nilinaw na ito ay mula sa mutual consultation at mutual agreement sa pagitan ng house committee at Comelec.