Sinunog ang aabot sa 25,489 marijuana plants na may market value na limang milyong piso sa Maguing, Lanao Del Sur.
Ayon kay Brigadier General John Guyguyon, Direktor ng pulisya ng Bangsamoro, ni-raid ang planta matapos ipaalam ng mga residente ang laganap na pagtatanim ng marijuana sa nasabing lugar.
Sinabi ng mga otoridad na ang bukid ay binantayan ng ilang armadong lalaki na nauugnay sa mga teroristang grupong Dawlah Islami-Ya.
Subalit, nakatakas ang mga salarin matapos maramdaman ang pagdating ng raiding team.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ng municipal police kung sino ang may-ari ng marijuana farm.