Tiniyak ng Phil. National Police na hindi magiging hadlang sa pagsusulong ng mandatory ROTC o Reserve Officers’ Training Corps ang panibagong insidente ng umano’y hazing laban sa isang estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig.
Sinabi sa Laging Handa public briefing ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na malinaw naman sa batas na mahigpit ang mandato ng mga eskwelahan para maiwasan ang mga ganitong insidente at kailangan lang aniyang palaging rebyuhin o bisitahin ang kanilang obligasyon sa pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.
Ayon kay Fajardo, tuloy-tuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga eskwelahan para magsagawa ng orientation course o seminar na may kinalaman sa batas kung saan kabilang sa mga itinuturo sa mga estudyante ay kung ano ang mabuti at masama sa pagsali sa mga organisasyon.