Matagumpay na naikasa ng SM Supermalls ang pagbabalik ng SM2SM Run activity nito sa SM Cebu makalipas ang dalawang taon para na rin sa Cebu Newspaper Workers Foundation Incorporated.
Sa ika-11 taon, ang SM2SM run ay itinuturing na isa sa pinakamalaki at cash rich running events sa visayas na inaabangan ng local at foreign runners tuwing unang quarter ng taon.
Ayon kay Marissa Fernan, Vice President ng SM Prime Holdings Incorporated, natutuwa sila sa halos 10,000 nakiisa sa SM2SM Run event kung saan sila namahagi ng mahigit 50 raffle prizes at asahan aniya ang mas malalaki pang pa premyo sa SM2SM run event sa susunod na taon.
Nakatuwang ng SM Supermalls sa nasabing event ang Philippine Red Cross, Emergency Rescue Unit, Radio Emergency Assistance Volunteer Organization, Perpetual Succour Hospital at Talisay City Disaster Risk Reduction Management Office para tumugon sa emergency cases.
Bahagi ng category ang 4K, 8K, 12K, 21K at dagdag na exclusive category para sa Persons with Disabilities (PWDs) na nag enjoy rin sa malalaking pa premyong nakuha nila.