Malugod na inanunsiyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na padami na nang padami ang nagkakaroon ng magandang trabaho sa bansa.
Ito, ayon kay PBBM, ay matapos bumaba pa lalo ang unemployment at underemployment rate sa buong kapuluan, sang-ayon sa 2023 Labor Force Survey.
Maliban dito, sinabi ng Presidente na tumaas sa 95.2% ang employment rate mula sa 93.6% noong Enero 2022.
Ayon kay Pangulong Marcos, ito’y nangangahulugan na 4.1 milyong Pinoy ang nadagdag sa bilang ng mga nasa labor sector.
Kasabay nito, inihayag ng Pangulo na magpupursigi ang kanyang administrasyon hanggang sa tuluyan nitong mawakasan ang kahirapan na isa sa mga mabibigat na problemang kinakaharap ng ating bansa.