Malayo na ang narating ng SM College Scholarship program ng SM Foundation kabilang sa mga layunin ng programa na pag-aralin ang mga estudyanteng nais mag-aral ngunit walang sapat na pagtustos upang makapagtapos ng pag-aaral.
Ayon kay Eleanor Lansang, Senior Assistant Vice President for Education Program ng Sm Foundation, Inc., nagsimula ang SM scholarship ng SM Foundation noong taong 1993 na inilunsad ng SM group founder na si Henry Sy Sr. o mas kilala sa tawag na ‘Tatang.’
Dagdag pa ni Lansang, ang bilang ng mga scholars na nasa 1st year to 5th year college ay tinatayang pumalo na sa 1,300 habang aabot naman sa 4,000 ang mga naka-graduate sa tulong ng naturang programa.
Kabilang sa mga scholars ng SM Foundation ay si Rob Cris Bagares, at si Khyle Montebon.
Si Rob ay kasalukuyang 4th year college at kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in English. Aminado si Rob na hindi niya inaasahang magiging isa siya sa mga scholars ng SM Foundation dahil marami aniya ang nag-apply sa programa.
Malaki ang pasasalamat ni Rob sa SM Foundation dahil ito ang naging tulay upang makapag-aral at matugunan ang pangangailangang pang-araw araw katulad na lamang ng pamasahe upang makapasok sa paaralan.
Habang aminado ang ama ni Rob na si Roblito Bagares Jr. na hindi niya alam kung paano matutustusan ang pag-aaral ni Rob sa kolehiyo dahil ang kanyang hanapbuhay ay tricycle driver gayunman malaki ang pasasalamat ng ama ni Rob dahil natupad ang kagustuhan ng anak na magpatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng sm foundation.
Isa rin sa mga scholar ng SM Foundation si Khyle Montebon na walang ibang hinangad kundi maibalik ang mga paghihirap ng kanyang mga magulang upang matugunan ang kanyang pag-aaral.
Ayon kay Khyle, hindi sapat ang sipag at tyaga dahil kinakailangan mo itong sabayan ng skills upang maabot ang mga pangarap sa buhay.
Dagdag pa ni khyle, malaki ang kanyang pasasalamat sa sm foundation dahil masusuklian na niya na ang lahat ng sakripisyo ng kanyang pamilya.
Habang ibinahagi naman ng isa sa mga alumnus ng SM Foundation na si Caleb Bañares na hindi madaling mapabilang sa naturang programa bagkus ginawa niya ang lahat upang makakuha ng scholarship program ng SM Foundation.
Binigyang-diin ni Caleb na hindi natatapos ang pagiging bahagi sa naturang programa ng SM kapag nakapagtapos ka na sa pag-aaral dahil nananatili ang aral ni Tatang kung saan sa ngayon ay ibinabahagi nila ito sa iba kabilang na ang gawin ang lahat ng makakaya.