Suportado ng Malaysia ang Pilipinas sa karapatan at interes ng soberanya nito sa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod ito ng pahayag ng China na nababahala sila sa energy projects ng malaysia sa bahagi ng WPS.
Nabatid na ang WPS ay bahagi din ng teritoryo ng Malaysia na inaangkin ng China kung saan, libu-libong barko na ang namataang nagsasagawa ng aktibidad sa nasabing lugar.
Ayon kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, kanilang poprotektahan ang Pilipinas at bukas sila sa pakikipag negosasyon sa China.
Nagpapakita lamang ito na nais ng Malaysia na maresolba ang lahat ng isyu na may kaugnayan sa wps sa maayos at mapayapang pamamaraan.