Iginiit ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, na magkakaroon lamang ng malaking epekto sa buong mundo, sakaling maganap ang bakbakan sa pagitan ng China at Taiwan.
Ayon kay Atty. Roque, sakop ng South China Sea ang Taiwan na siyang pinagkukuhanan ng produksiyon ng langis ng China, Japan, at iba pang bansa.
Binigyang-diin ng dating presidential Spokesperson na hindi magagamit sa anumang “aggressive stance” o mga banta at iba pang uri ng pag-atake ang mga itinayong EDCA sites dahil hindi hawak ng Pilipinas ang mga nais o desisyon ng US.