Sampung araw bago ang deadline ng sim card registration, wala pa rin sa kalahati ng target ang nakapagpaparehistro dito.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kahapon, papalo lamang na 69,828,115 sim cards ang nairehistro, 41.32% ng 168,977,773 target na irehistrong sim card.
Nangunguna pa rin sa registration tally ang smart communications, sinundan ng globe telecom at dito telecommunity corporation.
Nitong abril, unang iginiit ng DICT na hindi na palalawigin ang itinakdang deadline sa pagpapatala.
Sa ilalim ng Sim Card Registration Act, ang lahat ng public telecommunications entities ay inaatasan na magtatag ng kani-kanilang mga platform sa pagpaparehistro.
Binibigyan ang mga user ng 180 araw o hanggang Abril bente-sais para irehistro ang kanilang mga sim card, o harapin ang pag-deactivate ng kanilang mga numero ng mobile phone.