Pangunahing naging paksa sa bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Czech Republic Prime Minister Petr Fiala kahapon sa Malacañang ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Bagaman hindi ibinunyag at tinukoy ang anumang impormasyon, binanggit ni Pangulong Marcos Jr. na kapwa sila ni Fiala na nagbigay ng importansya sa rule of law.
Naging makabuluhan din aniya ang palitan ng pananaw tungkol sa mga isyu sa rehiyon, cross trade at ang digmaan ng Russia at Ukraine.
Binigyang-diin naman ng presidente na ang pulong niya kasama ang lider ng Czech Republic ay nagmamarka ng isang mahalagang milestone sa 50 taon diplomatikong relasyon sa nasabing bansa.
Samantala, maliban sa isyu sa WPS ay napag-usapan din ng dalawang opisyal ang defense cooperation, trade and investment, university to university linkages at labor cooperation.